
Resbakuna Update: Ika-23 ng Hulyo
Resbakuna Update: Ika-23 ng Hulyo, kahit na umuulan ay tuloy tuloy lang ang pagbabakuna dito sa Covered Court ng Pio Model Community, Porac, Pampanga.
Through the leadership of Mayor Jaime “Jing” V. Capil kasama sina Dr. Lilia M. Panlilio Municipal Health Officer, Dr. Neil Galang San Andres MD MPH, Dr. Edgar Cornelio Dizon Lacanlale MD, Dr. Larry M. Fernando Chief of Hospital I at ang ilang kinatawan mula sa Department of Health, Jose S. Lapid District Hospital. Kaantabay din ng vaccination team ang mga kinatawan ng BFP Porac, Pio Barangay Health Workers at ang pamunuan ng Barangay Pio sa pangunguna ni Kap. Ayot Dimalanta.
Ang ating mga Senior Citizens (A2) at Persons with Comorbidities (A3) o yung mga taong mayroong sakit o karamdaman ang mababakunahan sa araw na ito para sa kanilang 2nd dose na nasa 130 plus..
Paalala:
Ang mga tinawagan at binigyan lamang ng form ang maaring pumunta at magpabakuna.
Wag kalimutang magsuot ng facemask at faceshield at panatilihin ang pisikal na distansiya pagpasok sa pagdadausan ng bakuna.
Para naman sa mga nagpalista at hindi pa natawagan, hintayin lamang po natin ang anunsyo hingil sa iskedyul tayo po ay nasa reserved list.
Para naman po sa mga hindi pa naka schedule pwede po tayong makipag-ugnayan sa ating barangay health center. Maghintay lamang po tayo ng anunsiyo hinggil sa iskedyul.
Para sa ating lahat ito!
#PoracPublicInformationOffice
#Resbakuna