CONTACT US: + (045) 649 – 6027

Resbakuna Update: Ika-6 ng Hulyo


Resbakuna Update: Ika-6 ng Hulyo, sinisimulan na po ng Department of Health ang pag eencode sa mga nabakunahan para sa database ng DICT para sa preparasyon sa pagbuo ng digital Vaccination ID na magsisilbing pruweba kung ang isang tao ay nabakunahan na laban sa COVID-19.
Kasalukuyan, ang mga local government units (LGUs) ay nag-iisyu ng ID cards para sa kanilang mga residenteng nabakunahan laban sa COVID-19.
Ngayon ay binabakunahan ang mga Senior Citizens (A2) at Persons with Comorbidities (A3) o yung mga taong mayroong sakit o karamdaman, na nakapagregister at nakipagugnayan sa ating mga barangay health center.
Maraming salamat sa ating mga frontliners na patuloy na nagsasagawa ng ating vaccination program sa pangunguna ni Dr. Lilia M. Panlilio Municipal Health Officer, Dr. Neil Galang San Andres MD MPH, Dr. Edgar Cornelio Dizon Lacanlale MD, Dr. Larry M. Fernando Chief of Hospital I at ang ilang kinatawan mula sa Department of Health, Jose S. Lapid District Hospital under the administration of Mayor Jaime “Jing” V. Capil.
Nasa 350 ang bilang na inaasahang mababakunahan sa araw na ito.
Para sa ating lahat ito!

Opening Hours

  • Monday – Friday + 8 AM – 5 PM
  • Saturday and Sunday No Office

Copyright © 2020. Municipality of Porac, Province of Pampanga. All rights reserved.

Official Website of Municipality of Porac