Skip to main content

CONTACT US: + (045) 649 – 6027

Resbakuna Update: Ika-9 ng Hulyo


Resbakuna Update: Ika-9 ng Hulyo, sa kasalukuyan binabakunahan ang mga Health Workers (A1), Senior Citizens (A2) at Persons with Comorbidities (A3) o yung mga taong mayroong sakit o karamdaman, na nakapagregister at nakipagugnayan sa ating mga barangay health center.
Pakiusap po, para sa mga kabilang sa priority groups na nakapagregister na maghintay lamang po sa tawag kung saan nagpalista upang malaman ang inyong itinakdang schedule para sa bakuna.
Huwag pong pumunta sa vaccination center kung wala pang natanggap na schedule, dahil hindi po pinapahintulutan ang mga walk-ins.
Maraming salamat sa ating mga frontliners na patuloy na nagsasagawa ng ating vaccination program sa pangunguna ni Dr. Lilia M. Panlilio Municipal Health Officer, Dr. Neil Galang San Andres MD MPH, Dr. Edgar Cornelio Dizon Lacanlale MD, Dr. Larry M. Fernando Chief of Hospital I at ang ilang kinatawan mula sa Department of Health, Jose S. Lapid District Hospital under the administration of Mayor Jaime “Jing” V. Capil.
Nasa 414 ang bilang na inaasahang mababakunahan sa araw na ito.
Para sa ating lahat ito!
#PoracPublicInformationOffice
#Resbakuna

Official Website of Municipality of Porac