
RESBAKUNA UPDATE!
Kasalukuyang ginaganap ang vaccination ng mga nasa 100 residente ng Model Community na nabibilang sa mga kategoryang A2(All Senior Citizens) at A3(Persons with Comorbidities) sa Resettlement Covered Court ng Model Community Pio, Porac, Pampanga. Pinangungunahan ng ating masisipag na RHU doctors na sina Dr. Lilia Panlilio, Dr. Neil San Andres at Dr. Edgar Lacanlale ang nasabing vaccination event. Kasangga din ng ating Resbakuna Team ang ating mga masisipag na medical staff, vaccinators, Bureau of Fire Porac, Pulisya ng Porac at ang punong baranggay ng Pio Kgg. Hilario “Ayot” Dimalanta Jr.
Abangan ang mga susunod na vaccination event ng Porac sa mga anunsiyo ng aming page at ng inyong mga barangay health centers.
#resbakuna2021
#BakuNATION
#BayungPorac
#PoracPublicInformationOffice