Ribbon Cutting Ceremony ng Bagong Gate sa Sta. Cruz Elementary School
Pinangunahan nina Mayor Jing Capil at Vice Mayor Jen Capil ang Ribbon Cutting Ceremony bilang hudyat ng opisyal na pagbubukas ng bagong gate na magsisilbing karagdagang access ng mga estudyante ng Sta. Cruz Elementary School.
Ang proyektong ito ay naglalayong mas mapadali at maging mas ligtas ang pagpasok at paglabas ng mga mag-aaral sa paaralan.
Taos pusong pasasalamat ang ipinaaabot sa mga Yalung Family sa kanilang bukas palad na pagbibigay ng pahintulot para sa nasabing daan, na patunay na ang kanilang pakikiisa sa kapakanan ng kabataan at ng komunidad.
Kasama rin sa naturang aktibidad sina Barangay Captain Bong Guiao at Sir Pepito Liscano, Principal ng Sta. Cruz Elementary School, na kapwa nagbigay-suporta sa inisyatibong ito para sa kapakinabangan ng mga mag-aaral.
Click here: https://www.facebook.com/share/p/1D4DuJrd5A/








