Road Flushing sa Manibaug Pabalan
Alinsunod sa utos ni Mayor Jaime “Jing V. Capil sa tulong ng BFP sa pamumuno ni SFO4 Lumes E. Lumba isinagawa ang Road Flushing dito sa re-routing ng Manibaug Paralaya gamit ang Municipal Fire Truck para mas tumibay ang lupa at maalis ang mga dumi sa daan.
Ito ay malaking tulong upang maiwasan ang mga insidente at mapagaan ang daloy ng trapiko para sa ating mga motorista.