Sa agarang direktiba ni Acting Mayor Jen Capil, mabilis na kumilos ang Engineering Department at Motorpool ng Bayung Porac Administration kasunod ng insidenteng pagkakasagi ng isang truck na nagdulot ng pagbagsak ng billboard frame sa Barangay Planas.
Sa loob ng maikling panahon, agad itong naisaayos at naibalik sa maayos na kalagayan upang maiwasan ang anumang aksidente at matiyak ang kaligtasan ng ating mga kababayan.
#BayungPorac
#VMJenC
CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1BgQeHpEi2/







