
Sa unang pagkakataon, makakatanggap na ang mga Porac Day Care Workers ng P10,000 suweldo kada buwan
Sa unang pagkakataon, makakatanggap na ang mga Porac Day Care Workers ng P10,000 suweldo kada buwan, na may Job Order employment status sa munisipalidad. Ang inisyatibong ito ay ipapatupad sa darating na taong 2022.
Ang pagtiyak ni Mayor Jaime “Jing” Capil ng pondong ilalaan para sa sahod ng mga Day Care Workers ay ayon sa inilabas na kautusan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) base sa desisyon ng Supreme Court na Mandanas ruling.
Ito ang ipinahayag ni Mayor Capil sa kagaganap na assembly ng Day Care Workers kung saan ay pinasalamatan niya ang kanilang dedikasyon upang maihatid ang serbisyong pang-edukasyon para sa mga batang Poraqueño.
Bunsod nito, namahagi rin si Mayor Capil ng kalahating kaban ng bigas, gayundin naman si Konsehal Michelle Bengco, ang Chairperson on Committee of Social Services.
Itinalaga rin sa nasabing assembly ang mga bagong Day Care Worker Federation Officers, kung saan naganap ang kanilang oathtaking ceremony.
Personal namang dumalo si Provincial Social Welfare Development Officer Elizabeth Baybayan upang alamin ang mga updates sa MSWDO Porac, at kumustahin ang kalagayan ng mga social workers, lalo na ngayong may pandemya.