
SAGOT NI MAYOR JING SA MALING PARATANG!
Ikinalulungkot man ngunit Matapang na tinatanggap ni Mayor Jing Capil ang bagong hamon sa kanya na pilit idinawit sa isang kaso sa Ombudsman patungkol sa isang usapin na isinampa nina Alejandro Punzalan at mga kamag-anak nito hinggil sa pag-aari ng isang maliit na property, 500sqm, more or less na ginamit lamang sa isang Carwash Business.
Banggit ni Mayor Jing, sya umano ay idinadawit sa dapat sana ay pribadong usapin sa pagitan ng mga Punzalan at mga Cubacub hinggil sa pag-aari ng nasabing property. Ang kinukwestyon ay ang pag-issue ng Business Permit ng kanyang opisina. Dapat maunawaan ng mga Tao na ayun sa batas may mga tamang proseso ang pag-issue ng Business Permit at ang Tanggapan ng Mayor ay may ministerial duty na mag-issue ng Permit kung Kumpleto ang requirements na isinumite ng isang aplikante. Sa kaso ng mga Punzalan, kumpletong naisinumite ang lahat ng requirements kung kaya’t resposibilidad ng Tanggapan ng Mayor na agarang mag Issue ng Business Permit.
Gayunpaman, bilang respeto sa Legal na proseso, nakahanda si Mayor Jing sampu ng kanyang Legal Team na harapin ang lahat ng paghamon na kinahaharap nya sa Kaso dahil matibay ang kanyang paniniwala na mapapatunayan nya sa Ombudsman na sya ay inosente at nagtatrabaho lamang at ang kaso na ito ay walang basehan.
Dagdag pa ni Mayor Jing, di na nya pagtatakhan ang mga ganitong klase ng paratang at gawa-gawang akusasyon ng katiwalian lalo na obvious naman na ito ay Political Harassment lalo na parating na ang eleksyon. Naninindigan sya na patuloy na walang takot na gagampanan ang kanyang tungkulin at resposibilidad para sa Serbisyo Poraqueno.
Source: http://www.radyopilipinas.ph/…/porac-pampanga-mayor…