Skip to main content

CONTACT US: + (045) 649 – 6027

Salute! DRRM Porac

Bilang paghahanda sa kanilang muling pagde-deploy sa Angeles City, nagsagawa ng courtesy call ang Bayung Porac Emergency Response Team kay Acting Mayor Trisha Angelie G. Capil sa pangunguna ni MDRRMO Francis Caligagan.
Sa kanyang mensahe, pinaalalahanan ni Acting Mayor Jen Capil ang buong team na laging unahin ang kaligtasan sa bawat operasyon at ipagpatuloy ang diwa ng malasakit at pagtulong sa kapwa. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng kanilang tungkulin bilang mga responder na handang maglingkod sa oras ng pangangailangan.
Bitbit ang dedikasyon, disiplina, at malasakit ng Bayung Porac, muling tutungo bukas ang team sa Angeles City upang tumulong sa patuloy na search and retrieval operations.

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/14fr4jT8gjK/

Official Website of Municipality of Porac