SERBISYO AT PAGBUBUKLOD NG PAGMAMAHALAN
Hulyo 11, 2024, Huwebes — Sa kabila ng kanyang napakaraming trabaho at obligasyon ngayong araw, ikinasal ni Mayor Jing Capil ang limang magsing-irog dito sa Porac Manpower Training Center Conference Hall. Layunin nitong pag-isahin ang mga pusong nagmamahalan sa ating bayan.