Serbisyo Publico – July 24, 2024
Patuloy na nagtatrabaho si Mayor Jing Capil upang personal na matutukan ang sitwasyon sa Bayan ng Porac dulot ng malakas na pag-ulan. Isa sa kanyang binisita ang Porac River upang malaman at masiguro ang kaligtasan ng mga Poraqueñong naninirahan malapit sa ilog.
Kasama sa kanyang inspeksyon sina Coun. Adrian “Papay” Carreon, Coun. Jovy Venzon, Engr. Glenn Lansangan, Mr. Jun Simbillo, Ms. Jhoanne Arcega (MSWD), Francis Caligagan (MDRRMO), PLTCOL Samuel Quibete (COP), at SFO4 Lumes Lumba.
Tinitiyak ni Mayor Capil na handa ang mga kinauukulang opisina na magsagawa ng mga hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng lahat ng Poraqueño.