Skip to main content

CONTACT US: + (045) 649 – 6027

State of the Children’s Address 2023

Tingnan: Mayor Jaime “Jing” V. Capil nagbigay ng kanyang State of the Children’s Address ngayong araw dito sa harap ng Porac Municipal Hall na dinaluhan nina Vice Mayor Francis Lawrence Tamayo at ang 11th Sangguniang Bayan.
Ipinunto ni Mayor Capil ang kanyang 10-point Agenda na layuning suportahan ang pagpapalakas at pagtulong sa mga bata, sapagkat naniniwala siya sa kasabihan na ang mga bata ang pag-asa ng bayan. Sa pamamagitan ng edukasyon, naniniwala rin siya na ito ay makakatulong sa pagpabuti ng kalagayan sa sosyo-ekonomiya ng bawat bata dito sa Porac.
Dumalo rin ang mga Department Heads, mga miyembro ng Local Council for the Protection of Children, Punong Barangays at SK Officials, mga kinatawan ng mga bata mula sa iba’t ibang sektoral na grupo, mga piling mag-aaral mula sa pampubliko at pribadong paaralan, at ang MSWD na nag-organisa ng aktibidad sa pangunguna ni Ms. Jhoanne M. Arcega.
Ito ay bahagi ng pagdiriwang ng National Children’s Month ngayong taon na may temang “Healthy, nourished, sheltered: Ensuring the right to life for all.”
Maligayang Buwan ng mga Bata, mga Poraqueño!
#BuwanNgMgaBata
#BayungPorac

Official Website of Municipality of Porac