
Executive Order No. 01- 2023
Simula 2:00 PM ngayong araw, January 5, 2023, suspendido na ang pasok sa mga opisina ng gobyerno sa Lalawigan ng Pampanga.
Sa bisa ng Executive Order No. 01-2023, sinuspinde ni Governor Dennis “Delta” Pineda ang pasok sa mga tanggapan ng pamahalaan sa Lalawigan ng Pampanga dahil sa umiiral na Low Pressure Area na inaasahang magdadala ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa ilang bahagi ng Gitnang Luzon.
Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat, lalo na sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.
Source: Pampanga PIO