Teacher’s Month Celebration
Dumalo si Mayor Jing Capil sa pagdiriwang ng Teacher’s Month Celebration, kung saan personal niyang ipinaabot ang kanyang taos-pusong pasasalamat at pagkilala sa mga guro, bilang pagkilala sa kanilang walang kapantay na dedikasyon at sakripisyo sa tungkulin. Kasama niya sa okasyon ang Chief of Staff ng Mayor’s Office, Ms. Jen Capil, Vice Mayor Francis “Budoy” Tamayo, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan na sina Konsehal Joy David, Konsehal Jovy Venzon, Konsehal RC Canlapan, at Konsehal Papay Carreon, pati na rin si EA IV Jun Simbillo.
Isinagawa ang pagdiriwang sa West District sa pamumuno ni Sir Abelardo Garcia at sa East District naman ay si Ma’am Bernadette Tiongco . Sa pagkakataong ito, buong puso namang nagpugay si Mayor Capil sa mga guro ng Bayan ng Porac, na patuloy na nagbibigay ng mataas na antas ng edukasyon para sa kabataan.