Skip to main content

CONTACT US: + (045) 649 – 6027

THE BLACK YARD, OPISYAL NANG BINUKSAN SA BARANGAY SEÑURA

Dumalo sina Mayor Jaime “Jing” V. Capil at Vice Mayor Jen Capil sa pagbubukas ng The Black Yard sa Barangay Señura ngayong umaga.
Ang pagbubukas ng bagong establisimyento ay bahagi ng patuloy na pag-usbong ng mga lokal na negosyo sa Bayan ng Porac, na nagbibigay ng panibagong oportunidad para sa mga mamamayan.
Binabati ng Pamahalaang Bayan ng Porac ang pamunuan ng The Black Yard sa kanilang pagbubukas. Nawa’y maging matagumpay ang kanilang negosyo at patuloy na makapaghatid ng magandang serbisyo sa komunidad.
 
Tuloy-tuloy ang pag-unlad, para sa mas masiglang Porac!

 
Official Website of Municipality of Porac