Thru the initiative of our Mayor Jaime “Jing” V. Capil, patuloy ang pag-iikot at pagmomonitor kasama ang MDRRMO
Thru the initiative of our Mayor Jaime “Jing” V. Capil, patuloy ang pag-iikot at pagmomonitor kasama ang MDRRMO upang matiyak ang kalagayan ng bawat Poraqueño at maagap na matugunan ang anumang posibleng banta dulot ng Habagat dahil sa walang tigil na pag-ulan. 
Sa ganitong panahon, nananatiling alerto, nakaantabay, at handang rumesponde ang ating Local Government Unit, katuwang ang MDRRMO at iba pang concerned agencies, upang mapangalagaan ang kaligtasan at kapakanan ng bawat mamamayan.
Patuloy po tayong maging maingat, mapagmatyag, at handa. Manatiling updated sa mga opisyal na abiso at agad na makipag-ugnayan sa kinauukulang tanggapan kung kinakailangan.
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1EZTbdDN9X/