Skip to main content

CONTACT US: + (045) 649 – 6027

Tingnan: Binisita ni Mayor Jaime “Jing” V. Capil ang ating Business One-Stop Shop (BOSS)

Personal na binisita ni Mayor Jaime “Jing” V. Capil kasama ang buong miyembro ng Sangguniang Bayan ang ating Business One-Stop Shop (BOSS) sa Porac Manpower Training Center (Tesda) ngayong araw ika-10 ng Enero, 2023 upang tiyakin na ang ating mga negosyante ay komportable habang pinoproseso ang kanilang business permit. Siya mismo ang nag-check ng buong proseso, para tiyakin ang magaan na pagproseso ng business permits para sa mga Poraqueños.
Sa kanyang pagbisita, binigyan ni Mayor Capil ng oras ang pakikipag-ugnayan sa mga may-ari ng negosyo at mga aplikante, maingat na nakikinig sa kanilang mga katanungan. Ang pagbisita ni Mayor Capil sa Business One Stop Shop (BOSS) ay nagpapatibay ng kanyang dedikasyon sa paglilingkod sa publiko at suporta sa lokal na mga negosyo. Palaging binibigyang diin niya ang pangangailangan na pabilisin ang mga prosesong administratibo, aplikasyon, at para hikayatin ang mga negosyante sa ating Munisipalidad.

Official Website of Municipality of Porac