Skip to main content

CONTACT US: + (045) 649 – 6027

Trabaho sa Gitna ng Bagyo

Trabaho sa Gitna ng Bagyo 🌧️
Sa kabila ng ipinatutupad na alternatibong work arrangement bunsod ng masamang panahon, patuloy pa rin ang pagtugon ni Mayor Jing Capil sa mga pangangailangan, hinaing, at kalagayan ng mga Poraqueno.
Ngayong araw, personal na tinugunan ni Mayor Capil ang reklamo ng mga residente ng Barangay Calzadang Bayu hinggil sa masangsang na amoy na nakaaapekto sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Kasama sina Councilor Papay Carreon, Engr. Francis Hernandez, Barangay Captain Joey Balilu, at mga kagawad ng barangay, pinakinggan ang saloobin ng mga residente at tinalakay ang mga nararapat na hakbang upang matugunan ang naturang suliranin.
Umikot din sina Mayor Jing kasama si VM Jen Capil sa mga lugar na nangangailangan ng agarang atensyon. Personal niyang kinumusta ang kalagayan ng mga evacuees sa Barangay Mancatian at namahagi ng food packs bilang dagdag na tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng masamang panahon.
Sinuri rin niya ang lebel ng tubig sa Baywalk Porac upang matiyak ang patuloy na pagmamanman sa kalagayan ng lugar at kaligtasan ng mga mamamayan.
Dahil ang tunay na serbisyo-publiko ay hindi nasusukat sa ganda ng panahon, kundi sa kahandaang humarap, makinig, kumilos, at tumugon sa oras na higit na kinakailangan ng mamamayan.
Tuloy ang trabaho. Tuloy ang serbisyo. Tuloy ang malasakit para sa bawat Poraqueno

Click Here: https://www.facebook.com/share/p/1DWqGAVo3H/ 

Official Website of Municipality of Porac