TRAINING PARA SA MGA CHILD DEVELOPMENT WORKERS NG PORAC
Isinagawa po natin ang isang Developmentally Appropriate Practice at Play-Based Learning Training para sa ating mga Child Development Workers.
Sa pakikipagtulungan po natin sa Miriam College sa pamamagitan ng kanilang Early Childhood Education Program, nakita po natin kung paano mas napalalim ang kaalaman ng ating mga CDWs sa makabuluhan, angkop, at makabagong paraan ng pagtuturo gamit ang play-based learning.
Para po sa atin, isang napakahalagang hakbang ito hindi lamang para sa kanilang propesyonal na pag-unlad, kundi para rin sa kinabukasan ng ating mga kabataan. Patuloy po nating isusulong ang kahalagahan ng early childhood education, sapagkat dito hinuhubog ang kakayahan, kumpiyansa, at pangarap ng bawat batang Poraqueño.
#MasBayungPorac
#VMJenC
#MayorJVC
CLICK HERE;https://www.facebook.com/share/p/1Hr2Dsp7J1/




