
TUNGHAYAN!!!
Binisita ni Mayor Jaime ‘Jing’ V. Capil ang mga vaccination site sa Jose Songco Lapid Civic Sports Center at sa Manibaug Libutad Covered Court upang suriin ang kalagayan at kundisyon ng vaccination activity para sa ating mga Senior Citizen sa araw na ito.
Isa ang Porac sa pinagkalooban ng Provincial Government ng karagdagang bakuna na dahilan upang lalong mapabilis at mapalawak ang pagbabakuna sa munisipalidad. Sa panguguna ng ating alkalde Mayor Jing V. Capil kasama sina Dr. Lilia M. Panlilio Municipal Health Officer, Dr. Neil Galang San Andres MD MPH, Dr. Edgar Cornelio Dizon Lacanlale MD, Dr. Larry M. Fernando Chief of Hospital I, Mayors office Staff, RHU Staff, BHW’s at ang ilang kinatawan mula sa Department of Health, Jose S. Lapid District Hospital, masigasig na inilunsad ang nasabing pagbabakuna.
Nasa 900 ang bilang na inaasahang mababakunahan sa araw na ito.
Para sa ating lahat ito!
#PoracPublicInformationOffice
#Resbakuna