UNDAS 2026 | PORAC, PAMPANGA
Maagang nag-ikot sa mga sementeryo at command post si Mayor Jing Capil, kasama si Vice Mayor Jen Capil, PLTCOL Paul Benjamin B. Mandane, Coun. Jovy Venzon, at Coun. Adrian “Papay” Carreon upang inspeksyunin ang kahandaan ng mga tauhan at ang pagpapatupad ng mga kinakailangang hakbang para sa ligtas, maayos, at mapayapang paggunita ng Undas 2026 sa Bayan ng Porac.
Layunin ng pag-iikot na matiyak ang kahandaan ng mga kawani ng Porac Rural Health Unit (RHU), Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), Public Order and Safety Office (POSO), at iba pang katuwang na tanggapan sa pagbibigay ng agarang tulong at serbisyong medikal sa mga mamamayan at bisitang nangangailangan.
Nagpaabot din ng taos-pusong pasasalamat si Mayor Jing Capil sa Porac PNP, Porac BFP, mga traffic enforcer, mga barangay tanod, at mga opisyal ng barangay sa kanilang dedikasyon at patuloy na pagbabantay upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng publiko sa buong panahon ng Undas.
Sa pamamagitan ng pagtutulungan at kahandaan ng bawat tanggapan, patuloy na isinusulong ng Bayung Porac ang isang ligtas, maayos, at mapayapang paggunita ng Undas para sa lahat.
CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1Ekjr4wLza/