VM BUDOY TAMAYO, NANUMPA NA BILANG ACTING MAYOR NG PORAC
Pormal nang nanumpa si Vice Mayor Budoy Tamayo bilang Acting Mayor ng Porac, Pampanga ngayong Sabado, April 5.
Ginawa ang oath taking sa bagong gusali ng munisipyo ng bayan, sa pangunguna ni Liga ng mga Barangay President Joel Capil.
Nakiisa sa seremonya ang ilang konsehal na nakabalik na sa kanilang tungkulin makaraang madismiss ang kinakaharap nilang kaso sa Ombudsman.
Nagtungo rin ang mga tagasuporta ng Bagong Porac upang saksihan ang panunumpa sa bagong munisipyo. | via Jhoedie Dizon Mercado, CLTV36 News
#CLTV36News #CLTV36NewsBites #CLTV36NewsDigital
Reference:
https://www.facebook.com/share/p/164Qj6v9qj/