Skip to main content

CONTACT US: + (045) 649 – 6027

WORLD TEACHERS’ DAY 2026 | October 5, 2026

Sa pagdiriwang ng World Teachers’ Day, personal na binisita nina Mayor Jaime “Jing” V. Capil at Vice Mayor Jen Capil, kasama sina Coun. Adrian “Papay” Carreon at Coun. Jovy Venzon at mga SB Members ang ating mga masisipag, dedikado, at magigiting na guro upang ipaabot ang taos-pusong pasasalamat at pagkilala sa kanilang walang sawang paglilingkod sa mga kabataan ng Porac.
Bilang pagpapakita ng pagpapahalaga at pasasalamat, naghandog sina Mayor Jing Capil at Vice Mayor Jen Capil ng ₱1,000 cash at tig-25 kilo ng bigas para sa bawat guro bilang munting pagkilala sa kanilang mahalagang ambag sa edukasyon at sa kinabukasan ng ating mga kabataan.
Ang pagiging guro ay hindi lamang tungkol sa pagtuturo ng mga aralin. Kayo ang humuhubog sa pangarap, karakter, kakayahan, at kinabukasan ng bawat batang inyong ginagabayan. Sa bawat kaalamang ibinabahagi, bawat payong ibinibigay, at bawat pangarap na inyong pinapalakas, kayo ay nag-iiwan ng malaking marka sa buhay ng ating mga mag-aaral.
Maraming salamat sa inyong sakripisyo, tiyaga, malasakit, at dedikasyon. Kayo ang tunay na mga bayani sa loob at labas ng silid-aralan.
 
Official Website of Municipality of Porac